Thursday, March 7, 2013

Lovi: Biography



 Lourdes Virginia Moran Poe, na mas kilala sa pangalang Lovi Poe. Siy ay pinanganak noong Pebrero 11, 1989 sa St. Luke's Medical City Quezon City. Siya ay nag-aral at nagtapos ng hayskul sa Colegio San Agustin-Makati at kumuha siya ng Psychology sa Miriam College.

Siya ay sumikat at nanatili hanggang ngayon sa GMA 7. Sumikat siya sa kanyang role na si Kristal na anak ni Bakekang sa Bakekang TV Series noong 2006. Doon maraming nagcritic sa kanya at humanga sa kanyang pag-arte. Gumanap rin siya sa Pulis Pangkalawakan bilang jornalista sa isang dyaryo.

Nagkaroon siya ng biggest break noong gumanap siya bilang Joanna in GMA daytime drama Sine Novela: Kaputol ng Isang Awit kasama nila Glaiza de Castro, Marky Cielo at Jolo Revilla.

Noong 2008, nanalo si Lovi ng New Movie Actress of the Year award para sa kanyang pelikulang Shake Rattle and Roll 9 sa 24th PMPC Star Award for Movies.

Mayroon rin siyang "Bloom" solo concert sa Music Museum noong Oktubre ika-16. Bloom din ang title ng kanyang pangalawang album sa SonyBMG. Kasama rin siya sa cast ng "Paukay-Ukay" ng Regal Entertainment.

Noong late 2008, gumanap si Lovi sa "LaLola" kasama sila Rhian Ramos, Eula Valdez at Marky Cielo. Noong 2009, kasama rin siya sa "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang" kung saan ka-pares niya si Prince Stefan.

Noong Hulyo 2010, lumabas si Lovi Poe sa independent film "Mayohan" na pinanalunan niya ng Best Actress award.

Noong 2011, lumabas na ang kanyang "secret" boyfriend na si Representative Ronald Singson ay isang drug-addict at nahuli dahil nag cocaine trafficking siya sa Hong Kong at nakulong ito ng 18 na buwan sa Hong Kong.




Endorser rin si Lovi ng Bench Philippines. Kasama rin siya sa mga inaantabayan na maglakad tuwing may fashion runway show ang Bench. Isa siya sa mga magagaling at inaalagaang model ng Bench.


Noong lumabas ang issue ng FHM na si Lovi Poe ang cover, nag-iba ang publicity niya sa media, hindi inaakalang may taglay palang alindog si Lovi Poe na naiitatago. Naging daring at sexy ang kanyang mga roles sa telebisyon at pelikula. Doon lumabas ang bagong "image" ni Lovi Poe bilang isang sexy at magandang artista.


Hindi rin naman natin maitatanggi na maganda si Lovi. Siya ay isang malakas at magandang babae na datapwat sa mga kontrobersya na naibabato sa kanya, hindi pa rin siya nagpapa-apekto doon at patuloy pa rin siyang sumisikat bilang isang magaling, at take note, isang sexy na aktres. Halos lahat ata ng kalalakihan ay nahuhumaling sa kakaibang ganda niya na hindi mo makikita sa iba pang mga artista. 

Mahilig din si Lovi na gumawa ng mga tula at nakasubok na rin siyang gumawa ng kanyang sariling kanta. Si Lovi ay marunong din mag-gymnastics, basketball at badminton. Dahil dito, napapanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan. Tinuturing niya na idolo ang kanyang ama na si Fernando Poe Jr. at ang Asia's songbird na si Regine Velasquez. 


Kasalukuyan, kakatapos lamang ni Lovi Poe ng kanyang pang-hapon na soap opera na Yesterday's bride. Ang kanyang project na pinagtutuunan ng pansin ngayon ay ang pelikula na, The Bride and the lover kasama sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.



Fernandez, Jillian Mae
FIL 101
WF 9:00-10:30
http://en.wikipedia.org/wiki/Lovi_Poe
http://www.imdb.com/name/nm2371674/bio
http://www.facebook.com/pages/LOVINATICSLovi-Poe/170264783017167?sk=info

No comments:

Post a Comment